Thursday, February 19, 2009

WALANG PAG-ASA

Noong kataasan pa ng presyo ng krudo, nakiisa tayo sa panawagan ng transport sector sa mga kumpanya ng langis na mag roll back ng presyo. Iba't-ibang dahilan ang ibinigay ng mga kumpanya kung bakit hindi nila ito pwedeng ibaba.

Dahil dito, tinanggap nating mga commuters ang pagdagdag ng singil sa pamasahe.

Ngayong mababa na ang presyo (bagamat sinasabing pwede itong mas ibaba pa), di ba dapat lang na magbaba na rin ang singil sa pamasahe? Nakakalungkot lang dahil ang transport sector naman ngayon ang nagbibigay ng iba't-ibang dahilan kung bakit di nila ito pwedeng ibaba.

Bakit ba ganyan tayong mga Pinoy?

No comments: